Friday, July 11, 2008

Ang laman ng iyong salamin

Ang lamig sa umaga'y bali wala
kahit may karamdaman
ako ay sadyang may sigla
anong klaseng hiwaga
taglay ng iyong mukha

nais kong alamin
sabihin mo sa akin
bakit mga mata mo'y ngumingiti
sa tuwina ako'y tumitingin
sana ako na lang palagi
ang laman ng iyong mga salamin.

No comments: